Humantong sa diabetic coma ang isang dalagita sa China matapos makasanayang uminom ng dalawang bubble tea o pearl milk tea araw-araw sa buong isang buwan.
Nakaranas ang 18-anyos na babae ng pagkahilo, madalas na pag-ihi at dehydration hanggang sa matagpuan na lang na walang malay noong nakaraang buwan, ayon sa Asia Wire.
Dinala ang dalagita sa Ryujin Hospital kung saan nasuri ang blood sugar levels nito na 25 beses umanong mas mataas sa normal.
Kinabitan ng ventilator ang pasyente at isinailalim sa kidney dialysis bago magising sa coma makalipas ang limang araw.
Nagpapagaling na ang dalagita na nakalabas sa ospital noong Hunyo 1.
Karaniwang nasa 54 grams ng asukal ang mayroon sa isang cup ng bubble tea, ayon sa HealthLine.
Facebook Comments