Nabiktima umano ang isang 17 anyos na babae sa Ilocos Sur sa modus ng umano’y ‘Paluwagan scam’ online.
Sa reklamo ng ina ng biktima sa pulisya, ikinwento ng anak nito ang pagsali sa isang Paluwagan na nakita nito sa Facebook kung saan katumbas ng isang mamahaling cellphone.
Ayon sa biktima, tinatanong umano siya ng suspek sa pamamagitan ng messenger kung nais nitong kumuha ng slot sa naturang paluwagan.
Dito na nagkaroon ng ilang transaksyon ng bayad sa pamamagitan ng online e-wallet na may kabuuang halaga na ₱12,700.00.
Buo umano ang naging tiwala ng biktima sa pag-aakalang lehitimo ang transaksyon sa suspek at maibibigay ang kapalit na cellphone ngunit sa sunod na pakikipagkomunikasyon nito sa Messenger ay hindi na sumasagot ang suspek at burado ang account at blinock ang biktima.
Sinubukan rin nitong tawagan ang suspek sa binigay na numero ngunit hindi na sumasagot.
Sa ngayon ay naghain na ng reklamo sa pulisya ang biktima ukol sa umano’y illegal na aktibidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments