Dalagita, nagkitil ng buhay dahil umano sa stress dulot ng COVID-19 lockdown

Nasawi ang isang dalagita matapos itong magpakamatay dahil umano sa stress dulot ng coronavirus lockdown sa California.

Ayon sa report ng KTXL news station, natagpuang wala ng buhay sa loob ng kanilang bahay sa Stockton si Jo’Vianni “Jo” Smith, 15 na sinasabing nagbigti habang nakalockdown sa lugar.

Sa salaysay ng ina ng biktima na si Danielle Hunt, wala raw iniwang kahit anong sulat ang anak tungkol sa ginawang pagpapakamatay.


Ngunit malakas ang paniniwala ni Hunt na malaki ang kinalaman ng health crisis bunga ng coronavirus.

Dahil sa nangyaring trahedya, nagpaalala sa pamamagitan ng Facebook post ang isa sa mga coach ni Jo sa mga magulang na panatilihin ang bukas na komunikasyon sa kanilang mga anak tungkol sa kasalukuyang pandemic.

Ibinahagi rin nito na isang single mom si Hunt at sigurado umanong labis ang pagdadalamhati nito sa nangyari.

Nakiusap din ito sa mga magulang na huwag basta-bastang magtiwala sa kakayahan ng kanilang mga anak sa pagharap sa stress na nakukuha dahil sa krisis.

Facebook Comments