Dalagita, pinaslang at binalatan ang mukha sa Cebu

2868

Lapu-Lapu City, Cebu – Wala ng buhay nang matagpuan ang bangkay ng isang dalaga sa isang bakanteng lote sa Sitio Mahayahay, Barangay Bankal Lapu-Lapu City, Cebu.

Nakita ang bangkay ni Christine Silawan, 16-anyos na tadatad ng saksak, wala nang suot na pang-ibaba at binalatan pa ang mukha.

Ayon sa ina ng biktima na si Lourdes Silawan, nagpaalam raw ang dalagita na magsisilbing collector sa misa sa simbahan noong Linggo pero hindi na ito bumalik.

Base naman sa salaysay ng isang testigo, tatlong lalaking sakay ng motorsiklo ang nagdala sa babae sa lugar bandang alas-2 ng madaling araw nitong Lunes.

Doon raw ginahasa at pinagsasaksak ng mga lalaki ang biktima bago tumakas dala ang bag nito.

Sinabi naman ni Police Colonel Limeul Obon, hepe ng Lapu-Lapu City Police, inaalam na kung nasa impluwensiya ng droga ang mga lalaking umano ay nanggahasa at pumatay sa babae.

Facebook Comments