Dalagita, sugatan matapos saksakin sa Pasig

Pasig City – Nagpapagaling na sa ospital ang isang 16-anyos na dalagita matapos pagsasaksakin ng isang holdaper sa Barangay Rosario, Pasig City.

Ayon sa biktima, naglalakad siya kasama ang kaniyang kaibigan sa Westbank Road nang harangin sila ng tatlong lalaki.

Aniya, pilit kinuha ng mga suspek ang kaniyang cellphone pero hindi siya pumayag kaya sinaksak siya ng isa sa mga ito.


Nakilala naman ng biktima ang isa sa mga suspek na aniya ay kanilang kapitbahay.

Facebook Comments