Dalagita, sugatan nang masagasaan ng tren ng PNR sa Maynila

Manila, Philippines – Sugatan ang isang 15-anyos na dalagita matapos masagasaan ng tren ng Philippine National Railway sa Tondo, Maynila.

Maswerteng nagtamo lang ng mga sugat sa ulo, binti at likuran ang biktimang si Karen Joy Bugaren.

Ayon sa Tondo PNP, may suot na headset ang biktima kaya posibleng hindi nito narinig ang busina ng paparating na tren.


Sinabi naman ng residente na accident prone area ang lugar kaya pinapayuhan ang publiko na maging mag-ingat at alerto lalo na tuwing dadaan malapit sa riles.
DZXL558

Facebook Comments