
Tanging gintong medalya na lamang at hindi na iniisip ng batang atleta mula sa Western Visayas ang kanyang makukuhang premyo sa Palarong Pambasa 2025.
Sa panayam ng RMN Manila sa barefoot runner na si Eda Mae Arceo, nakasungkit ng dalawang gintong medalya sa Athletics, sulit ang kanyang training at pagkakapanalo dahil ibibigay niya ang kanyang mapapanalunang cash sa kanyang lolo.
Ang student athlete ay mula Carles, Iloilo at naghari sa 400 meter dash at 100 meter hurdles elementary girls kahit nakapaa lamang na tumakbo.
Samantala, saludo at bilib naman ang Track and Field Legend na si Elma Muros sa pitong atleta ng Athletics na nakabasag ng record sa mga sinalihang event.
Facebook Comments









