Hindi na kinaya ni alyas ‘Lea’, ang kinse anyos na dalagita na binaril ng dati nitong kasintahan sa loob ng paaralan sa Nueva Ecija, at kinumpirma ng pamilya nito na pumanaw na, kagabi.
Si Alyas Lea ay namalagi sa isang ospital sa Nueva Ecija nang ilang araw matapos maganap ang insidente.
Bago pa man, humingi na ng tulong ang mga kapamilya nito para sa operasyon na isasagawa sana kay Lea.
Kapansin-pansin din sa mga post ng kaanak nito na sila ay naghahanap ng ospital na may ICU at mga doctor na kayang operahan ang biktima dahil ang kanyang tama ay kritikal.
Ilang beses na umanong nirevive ang dalagita at lumaban ngunit sa pagkakataong ito, hindi na umano kinaya.
Samantala, nauna nang pumanaw noong 8 ng Agosto ang lalaking umano’y dating kasintahan nito na bumaril kay alyas ‘Lea’ sa loob mismo ng silid aralan nito.
Hinigpitan naman ang seguridad sa mga paaralan sa Nueva Ecija upang masiguro na hindi na mauulit ang naturang insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









