Dalagitang bingi’t pipi ni rape ng Ama sa Malabang LDS

Arestado ng mga kapulisan ang isang 40 anyos na karpentiro matapos pagsamantalahan ang kanyang sariling 16 anyos na anak na bingi at pipi sa bayan ng Malabang Lanao Del Sur.
Sa impormasyong ipinarating ni PRO ARMM Spokesperson CIns Jemar Delos Santos, January 27 ng mangyari ang panghahalay ng suspek na kinilala lamang na si Toto, sa kanyang anak na si Angel sa mismong tahanan nito sa Brgy. Jas.
Maswerteng nagawang agad na napaglaman ang krimeng ginawa ng suspek resulta ng pagkakaresto nito dagdag ni Delos Santos.
Masusi namang pinaiimbestigahan ni PRO ARMM Director CSupt Graciano Mijares ang insidente kasabay ng pag- asang agad na mabibigyang ng hustisya ang sinapit ng biktima.
GOOGLE PIC

Facebook Comments