Dalagitang nasawi matapos umanong ma-overdose sa isang party drug, nailibing na

Mandaue, Cebu – Nailibing na ang 19-anyos na dalagitang nasawi matapos umanong ma-overdose sa isang party drugs sa Mandaue, Cebu.

Sa misang ginanap sa Sacred Heart Parish sa Cebu City, inalala ng mga kaanak at mga kaibigan ni Ashley Abad ang mga panahon na kasama nila ito at kung gaano ito kabait at masayahin na bata.

Umapela naman ang pamilya Abad na huwag husgahan si Ashley hanggang hindi pa lumalabas ang resulta ng imbestigasyon.


Noong Biyernes, pumayag na ang pamilya Abad na isailalim sa awtopsiya ang bangkay ni Ashley para malaman ang sanhi ng pagkamatay ng dalaga.

Facebook Comments