Dalagitang Shoplifter, Arestado!

*Santiago City- *Arestado ang isang dalagita matapos mabuking sa hindi pagdeklara sa iba nitong pinamili sa isang department store sa Panganiban St., Centro East, Santiago City.

Sa nakalap na impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, Inireklamo ni Teresita Miguel, 39-anyos, may-asawa at residente ng Victory Norte, Santiago City ang 17 anyos na dalagita na itinago sa pangalang “Anne”, na taga Raniag, Ramon, Isabela matapos tangkaing ipuslit ang mga kinuhang baby accesesories na nagkakahalaga ng Php 11,298.00.

Binayaran lamang ng suspek sa kahera ang mga kinuhang assorted noodles at mga candy at nang palabas ito sa Dept Store ay natuklasan na ang iba nitong pinamili ay nakaw at hindi binayaran sa kahera.


Agad na tumawag ng pulis ang mga empleyado na nagresulta sa kanyang pagkakahuli.

Agad na ipinasakamay sa Station 2 ng Santiago City Police Office (SCPO) para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments