DALAW | Pangulong Duterte, binisita ang puntod ng kanyang ina

Manila, Philippines – Bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa puntod ng kanyang ina kagabi.

Kahapon kasi ang ika-anim na Death Anniversary ni Ginang Soledad Duterte na nakalibing sa Roman Catholic Cemetery sa Davao City.

Sa kanyang pagbisita, nagsindi ng kandila at taimtim na nagdasal ang Pangulo sa puntod ng kanyang ina.


Si Ginang Soledad ay pumanaw noong February 4, 2012 dahil sa karamdaman sa edad na 95-anyos.

Facebook Comments