Dalawa ang nasawi at apat pa ang nasugatan sa nasunog na bus sa Commonwealth QC

Bigo pa ring matukoy ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang mga pangalan ng dalawang indibidwal na namatay sa loob ng bus matapos masunog kaninang tanghali sa Pearl Drive, Commonwealth Avenue Fairview sa Quezon City.

Ayon kay SFO1 Robin Topacio ng Quezon City Fire District at Arson investigator din sa insidente, bukod sa dalawang nasawi apat pang sakay ng bus ang nagtamo ng sugat.

Nabatid na alas 12:39 kaninang tanghali ng bigla na lang magliyab ang Fairview bus habang tinatahak ang kahabaan ng Commonwealth papunta sa direksyon ng QC Circle.


Lulan ng bus ang may 20 pasahero ng bigla na lamang masunog ang harapang bahagi nito sa pagitan ng ikatlo at ikaapat na hilera ng upuan.

Inaalam pa ang dahilan ng sunog kung saan aabot sa ₱50,000 ang pinsala.

Facebook Comments