Dalawa, arestado dahil sa pagbebenta ng wildlife species online sa Bataan

Nahuli ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa Bataan ang dalawang indibidiwal dahil sa pagbebenta ng wildlife species online.

Batay sa ulat na nakarating kay PNP Chief General Dionardo Carlos, mula sa PNP Region 3 ang mga nahuli ay kinilalang sina Sergio Carlo Guinto, 35-anyos na nagpakilalang Philippine Army reservist at si Vicente Angelo Visda, 32 anyos.

Una munang minonitor ng mga pulis ang umano’y ulat na illegal selling activity ng wildlife species sa lugar bago ikinasa ang operasyon dahilan ng pagkaaresto ng mga suspek.


Sa operasyon, na-rescue ang dalawang juvenile Philippine monkeys at isang Coleto Myna.

Sa ngayon, nahaharap na ang mga naaresto sa kasong paglabag sa Usurpation of Authority at paglabag sa Republic Act 10175—ang batas na nagpoprotekta sa wildlife species at kanilang habitats.

Facebook Comments