Dalawa, arestado sa buy bust operation sa Pasay City

Kalaboso ang dalawang magkaibigan sa ikinasang buy bust operation sa Barangay 186, Zone 19, Pasay City.

Nakilala ang mga suspek na sina Lymon Dale Torres at Alex Acopio na pawang mga walang trabaho.

Nabatid na ikinasa ang operasyon laban kay Torres kung saan talamak itong nagbebenta ng ilegal na droga sa kanilang barangay habang ang kaibigan nito ang nagsisilbing runner.


Nakuha sa dalawa ang tatlong sachet ng shabu na nakalagay sa isang pakete ng sigarilyo at P500 na buy bust money.

Aabot sa higit dalawang gramo ng shabu ang nakumpiska sa dalawa na may street value na P13,736

Aminado ang mga nadakip na nagbebenta ng ilegal na droga lalo na’t hirap makahanap ng trabaho at paraan rin nila para kumita ng pera.

Facebook Comments