Dalawa, arestado sa ikinasang buy-bust operation sa Sta. Ana, Manila

Hindi na nakaporma pa ang isang tulak ng ilegal ng droga at parokyano nito matapos ikasa ng Manila Police District ang buy-bust operation laban sa kanila.

Nakilala ang mga nadakip na sina Rodolfo Cabilin na siyang tulak ng ilegal na droga at customer nito na si Cherryl Lopez na residente ng Las PiƱas City.

Ikinasa ang operasyon laban kay Cabilin matapos ang ilang araw na surveillance kung saan kasama ito sa drug watchlist ng Sta. Ana Police Station.


Nasakote ang mga suspek sa may bahagi ng Road 5 Bagong Sikat Street Punta, Sta. Ana matapos makabili ang isang poseur buyer ng P200 halaga ng shabu.

Nakuha kay Cabilin ang tatlong sachet ng shabu na may bigat ng halos isang gramo at nagkakahalaga ng P6,800 kung saan sa kalagitnaan ng interogasyon ay agad na umamin si Lopez na gumagamit lamang daw siya ng ilegal na droga kaya’t kasama niya si Cabilin.

Facebook Comments