Dalawa arestado sa ilegal na pagbebenta ng paputok online sa Bago City, Negros Occidental

Arestado ang dalawang katao na ilegal na nagbebenta ng paputok online sa Bago, Negros Occidental.

Sa ginawang entrapment operation ng Regional Anti Cybercrime Unit-Negros Island Region, arestado ang mga kinilala na sina alyas “Vincent,” 26-anyos, at alias “Buboy,” 16.

Haharap ang dalawa sa kasong violation of RA No. 7183 (An Act Regulating the Sale, Manufacture, Distribution, and Use of Firecrackers and Other Pyrotechnic Devices) in relation to Section 6 of RA No. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012).

Alerto rin sa ngayon ang PNP Anti-Cybercrime Group sa ilegal na pagbenta ng paputok online.

Abiso pa ng mga awtoridad sa publiko, bumili lamang ng mga regulated firecracker sa mga designated firecrackers display area ng bawat local government unit.

Facebook Comments