Dalawa, arestado sa ilegal na sugal na “loteng” sa Pasay City

52
Handcuffs

Kalaboso ang dalawang indibidwal matapos ikasa ng Pasay City Police ang anti-illegal gambling operation sa lungsod.

Nakilala ang mga nadakip na sina Noel Venegas at Vivian Cruz na pawang mga residente ng Barangay 201.


Nabatid na nakita mismo ng mga otoridad na kinokolekta na ni Venegas ang mga pera at listahan ng mga napataya ni Cruz.

Dito na nilapitan ang dalawa at tatakbo pa sana ngunit napalibutan na sila ng mga otoridad kung saan nakuha sa kanila ang isang loteng booklet at perang itinaya na aabot sa P1,400.

Napag-alaman na kilala si Venegas bilang kubrador ng loteng at nagsasagawa sila ng operasyon mula sa kanilang lugar hanggang sa kalapit nilang barangay.

Facebook Comments