Dalawa, arestado sa iligal na droga sa Maynila

29

Kalaboso ang dalawang magkaibigan matapos masakote sa iligal na droga sa Padre Herera Kanto Juan Luna street, Brgy. 7, Tondo, Maynila.

Nakilala ang mga nadakip na sina Raymond Perez at Jayson Par, na kapwa vendor at pawang mga residente ng Asuncion Street, Brgy. 13 sa Tondo.


Nabatid na nagsagawa ng Anti-Criminality Operation ang Moriones Tondo Police Station dahil nakatanggap sila ng tip na bumabalik na naman sa bisyo partikular ang shabu ang ilang mga tambay at vendors sa Juan Luna.

Tiyempo naman naispatan ng mga pulis ang dalawa na nakaupo sa gilid ng bangketa at nang tanungin kung anong sadya ng mga ito ay sinubukang tumakbo pero nakorner na sila.

Nang kapkapan, nakuha sa kanila ang dalawang sachet ng shabu kung saan umamin agad ang mga suspek na gumagamit lang sila nito pero hindi nagbebenta subalit ayaw naman magsalita kung saan at kanino nila ito nabili.

Facebook Comments