Dalawa, arestado sa iligal na droga sa Tondo, Maynila

Kalaboso ang dalawang lalaki matapos masakote dahil sa iligal na droga sa Tondo, Maynila.

Nakilala ang mga nadakip na sina Kevin Manalang, residente ng Malabon at Mark Israel na taga-Tondo na kapwa construction worker.

Sa imbestigasyon, isang tawag ang natanggap ng Manila Police District (MPD) Station 7 mula sa isang concerned citizen kung saan isinumbong nito ang nagaganap na iligal na aktibidad ng dalawa sa may bahagi ng Rail Road Track sa Pilar Street, Barangay 199.


Agad na nagtungo ang mga pulis at tiyempo naman nakita nila ang dalawa kung saan ng lapitan, tatakbo pa sana ang mga ito pero nakorner na ng mga pulis.

Nakuha sa kanila ang tatlong malaalki at apat na maliliit na sachet ng shabu na may bigat na halos 50-gramo at nagkakahalaga ng P340,000.

Kasalukuyan ng inaalam ng mga otorodad kung sino ang source ng dalawa ng iligal na droga at kung saan lugar nila ito nabibili.

Facebook Comments