Dalawa, arestado sa iligal na pagsusugal sa Lungsod ng Maynila

Sa kabila ng paalala hinggil sa pagbabawal sa iligal na pagsusugal, dalawang lalaki pa rin ang naaresto ng pulisya sa San Andres Bukid, Maynila.

Nakilala ang mga nadakip na sina Ceferino Delos Reyes at Joseph Bombase na kapwa residente sa nabanggit na lugar.

Nabatid na nasakote ang dalawa sa ikinasang Anti-Illegal Gambling Operation sa may bahagi ng Radium Street habang nagkakara-krus.


Tatakbo pa saan ang dalawa pero nakorner na sila ng mga otoridad kung saan nakumpiska sa kanila ang tatlong barya ma ginagamit sa kara-krus at perang pamusta na aabot sa P200.

Hindi rin nakalusot sa mga otoridad ang paliwanag ng dalawa na nagpapalipas lamang sila ng oras.

Facebook Comments