
Kalaboso ang dalawang lalako matapos magnakaw ng kable ng kuryente sa Maynila.
Ang mga suspek ay nakilala sa mga alyas na Dhayz at Darwin na mga residente ng Brgy.649, Port Area.
Nasakote sila ng mga tauhan ng MPD Station-13 sa ikinasang oplan sita matapos itimbre na tapos na silamg magnakaw.
Naharang sila sa bahagi ng Blk.9 Old Site malapit sa kanto ng Blk.7, sa Baseco Compound habang sakay ng motorsiklo.
Nakumpiska sa dalawa ang nasa higit 40 kable ng kuryemte kung saan napag-alaman na wala rin lisensiya si alyas dhayz at wala rin rehistro ang sinasakyan nilang motorsiklo.
Facebook Comments










