Dalawa hanggang tatlong bagyo ang inaasahang mabubuo o papasok sa Philippine Area of Responsibility ngayong buwan ng Setyembre.
Ang mga susunod na bagyo ay pangangalanang Bagyong Inday, Josie, at Karding.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), karamihan sa mga cyclone track ngayong buwan ay magla-landfall at dadaan sa bansa pero may mga sama ng panahon pa rin na hindi direktang makakaapekto sa bansa.
Inaasahan din ng PAGASA na makararanas ng katamtamang pag-ulan ang bansa ngayong buwan habang nasa 40% hanggang 50% naman ang mga inaasahang mas malalakas na pag-ulan.
Facebook Comments