Patay ang hinihinalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos ang nangyaring engkwentro sa pagitan ng tropa ng otoridad at mga rebelde sa Barangay Odiongan, Gingoog City, Misamis Oriental.
Kinilala ang dalawang namatay na sina Jelan Pinakilid alyas Baking/Matrix, hinihinalang secretary ng NPA at ang kaniyang asawa na si Darling Pinakilid, isa umanong medic ng Squad 3, North Central Mindanao Regional Committee ng NPA.
Nagsagawa ng intelligence operation ang tropa ng gobyerno nang makaengkwentro nila ang tinatayang limang miyembro ng hinihinalang NPA na nagsagawa umano ng pangingikil at nagpatupad ng “Permit to Campaign at Permit to Win” sa mga kandidato sa halalan.
Namatay ang dalawang suspek dulot ng barilan.
Ayon sa militar, si Alyas Baking ay isa sa mga most wanted at kilalang NPA na may kasong murder, frustrated murder, at rebellion.
Kasamang umaksyon sa operasyon ang 42nd MICO, isang Operational-Control (OpCon) unit ng 402nd Infantry Brigade at Misamis Oriental PIU.