DALAWA KATAO, ARESTADO MATAPOS MAHULIAN NG SHABU NG TANGKAING TAKASAN ANG CHECKPOINT SA URBIZTONDO

Arestado ang dalawa katao matapos silang mahulian ng shabu ng tangkain umanong takasan ang isang checkpoint sa bayan ng Urbiztondo.
Ang mga suspek ay kinilalang sina Jhon Ray Tapiador at Buddy Marayag.
Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP na nagsasagawa ng checkpoint ang mga ito pasado alas sais ng Gabi ng parahin ang motor ng mga suspek dahil wala itong plate number.

Sa halip na tumigil ay tinangka pa ng mga ito na tumakas at nagkahabulan hanggang sa makorner ang mga ito.
Nang kapkapan ay nakuhanan ang mga suspek ng tatlong sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit isang libong piso.
Nahaharap na sa patong – patong na kaso ang mga suspek. |ifmnews
Facebook Comments