DALAWA KATAO, ARESTADO SA BUY BUST OPERATION SA BAUTISTA

Umaabot sa tatlong sachet ng hinihinalang shabu ang kumpiskado sa dalawa katao sa ikinasang Buy Bust Operation sa bayan ng Bautista.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Raine Mayor residente ng Bayambang at Ray Allen Jimenez residente ng bayan ng Calasiao.
Ikinasa ang Buy Bust Operation laban sa mga suspek pasado alas diyes ng Umaga na nagresulta sa pagkakakumpiska sa mga suspek ng tatlong sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng mahigit tatlong Gramo at nagkakahalaga ng mahigit dalawampung libong piso.

Nahaharap na ngayon sa kaukulang kaso ang mga suspek. |ifmnews
Facebook Comments