Dalawa katao biktima ng pamamaril

9

Sugatan ang dalawa katao makaraang mabiktima sila ng pammaril kagabing 8:05 sa 3rd street barangay Rosary Heights 5 cot.city.
Kinilala ang mga biktima sina Jonie Bial Montibon 42 anyos, isang pintor at Daniel Montibon 18 anyos na nagtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng kanilang katawan mula sa caliber 45 pistol na baril.
Ayon sa inisyal na inbestigasyon ng PP2, nanonood lamang ang mga biktima ng TV sa loob ng bahay ng barilin ng hindi pa nakikilalang suspect na sumilip sa bintana…Matapos ang pamamaril ay mabilis namang tumakas ang salarin habang kaagad namang isinugod sa pagamutan ang sugatang mga biktima.
Blanco pa ang kapulisan sa motibo ng pamamaril habang nagpapatuloy ang inbestigasyon.

Facebook Comments