DALAWA KATAO, KRITIKAL SAPAGSEMPLANG NG KANILANG SINASAKYANG MOTORSIKLO SA BAYAN NG SAN JACINTO

Sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng dalawang katao sa naganap na aksidente sa bayan ng San Jacinto.
Ang mga biktima ay nakilalang sina Angelo Salvatiera at Kenneth Valdez, mga residente ng nasabing bayan.
Ayon sa imbestigasyon, naganap ang aksidente sa Barangay Macayug sa nasabing bayan, sakay ng dalawa ng motor na minamaneho ni Salvatiera nang bigla itong mawalan ng kontrol sa manibela pagdating sa pataas na bahagi ng tulay doon.

Dahil dito ay tumilapon ang dalawa na nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan na agad namang naisugod sa pagamutan at kasalukuyang inoobserbahan. |ifmnews
Facebook Comments