DALAWA KATAO NA KABILANG SA HIGH VALUE TARGET SA DAGUPAN CITY, ARESTADO SA BUY BUST OPERATION

Umaabot sa 340k na halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa dalawang katao matapos magpositibo ang ikinasang buy bust operation laban sa kanila sa Dagupan City.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Alex Basman at Omar Macapundag.
Ikinasa ang Buy Bust Operation laban sa mga suspek pasado alas dos ng Hapon sa Brgy. Caranglaan na nagresulta sa pagkakakumpiska ng dalawang malalaking sachet ng hinihinalang shabu sa mga ito.

Ayon sa mga otoridad, ang nasabing mga sachet ng hinihinalang shabu ay tumitimbang ng limampung gramo at nagkakahalaga ng nasa 340k.
Sinasabing matagal na minanmanan ang mga suspek bago ikinasa ang nasabing Buy Bust Operation.
Nahaharap na sa kaukulang kaso ang mga ito. |ifmnews
Facebook Comments