Dead on arrival sa pagamutan ang dalawang katao matapos silang maaksidente sa bayan ng Laoac.
Ang mga biktima ay nakilalang sina Aljon Mercado at Eliza May Gayon, mga residente ng Cavite.
Sa imbestigasyon ng PNP, binabagtas ng dalawa sakay ng motorsiklo ang kahabaan ng TPLEX Highway sa Barangay Anis sa nasabing bayan, pasado alas-diyes ng umaga.
Pauwi na sana ng Maynila ang dalawa nang madulas sa bahagi ng paliko ng kalsada ang motor dahil na rin sa basa ang daan dulot ng pag ulan, tumama ang mga ito sa sementado na bahagi ng TPLEX.
Isinugod pa sa pagamutan ang mga ito subalit idineklarang Dead on arrival na sa pagamutan. |ifmnews
Facebook Comments