DALAWA KATAO PATAY, SA MAGKAHIWALAY NA INSIDENTE NG PAGKALUNOD SA WESTERN PANGASINAN

Dalawang katao ang namatay sa magkahiwalay na insidente ng pagkalunod sa Western Pangasinan.
Unang nalunod ay ang biktima na nakilalang si Raymund De Vera residente ng bayan ng Manaoag kung saan ay nalunod ito habang naliligo kasama ang ilang mga kaibigan sa may bahagi ng baybaying nasasakupan ng bayan ng Agno ng ito ay malunod sa malalim na bahagi nito.
Sunod na nalunod naman ang sesentay uno anyos na si Salin Butag residente ng Benguet.

Sinasabing nalunod ang biktima habang ito ay naliligo kasama ang dalawang apo sa baybaying sakop naman ng bayan ng Bolinao.
Bagamat naisugod sa pagamutan, ang dalawang biktima ay parehong idineklarang Dead on Arrival. |ifmnews
Facebook Comments