Dalawa katao, patay sa nangyaring sunog sa isang unibersidad sa Cagayan De Oro City

Cagayan De Oro City – Dalawang pintor ang kumpirmadong patay sa nangyaring sunog sa ground floor ng anim na palapag paaralan ng Capitol University sa Cagayan De Oro City, alas onse emedya kaninang umaga.

Nakilala ang mga biktima na sila Brian Solarte at Dave Marvin Ramoga, residente ng Barangay Lapasan nitong lungsod.

Ayon kay Teofelo Solarte, Jr., ang kontraktor ng Art Gallery sa C-U at tiyuhin ni Brian Solarte, hindi nito namalayan na nasa loob pa ang dalawang biktima nang mangyari ang sunog.


Samantala, agad namang ipinalabas ang mga mag-aaral upang maiwasan ang suffocation dahil sa kapal ng usok.

Sa ngayon, patuloy pa ang isinagawang imbistigasyon ng mga personahe ng Bureau of Fire Protection upang malaman kung magkano ang pinsalang hatid ng naturang sunog.

Facebook Comments