Dalawa katao patay sa pananalasa ng Cyclone Yasa sa Fiji Island sa Southern Pacific

Dalawang katao kabilang ang isang tatlong buwang sanggol ang kumpirmadong nasawi sa pananalasa ng category-five Cyclone Yasa sa Fiji Island Sa South Pacific.

Ang nasabing bagyo ang itinuturing na isa sa pinakamalakas na bagyo na tumama sa nasabing bansa.

Nasa higit 100 kabahayan at gusali naman ang nasira kung saan tinatayang nasa daang milyong dolyar ang halaga ng pinsala.


Inaasahan namang tataas pa ang bilang ng nasawi habang patuloy ang pagsasagawa ng rescue and operations sa lugar.

Facebook Comments