Dalawa katao patay sa search warrant operation sa bayan ng Kabacan North Cotabato

39

Dalawang magkapatid ang napatay ng manlaban sa raiding team na naglunsad ng operasyon laban sa apat katao na kasama sa target ng search warrant sa Sitio Lote Barangay, Kayaga, sa bayan ng Kabacan,sa lalawigan ng Cotabato kaninang alas 3:00 ng madaling araw .
Kinilala ang mga nasawi ang magkapatid na sina Kobe Abdul Kaludin at Dorex Abdul Kaludin alias Abdul pawang nakatira sa nabanggit na lugar.
Dalawang mga kabahayan ang sinuyod ng mga otoridad bitbit ang apat na search warrant laban sa apat na mga suspek na kinilalang sina Kobe Abdul Kaludin, Dorex Abdul Kaludin, Boy Talipasan Usman at Randy Abdul Kaludin sa kasong pag-iingat ng mga hindi lisensiyadong armas at mga bala.
Sa report ay papasok pa lamang ang raiding team sa lugar ay pinaputukan na sila ng mga suspek dahilan para gumanti ng putok ang mga pulis. At dito na nabaril at napatay ang dalawang mga suspek.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang isang unit ng cal .38 revolver, tatlong mga basyo ng bala, isang unit ng homemade shotgun, isang cal .45 pistol at granada at isang motorsiklo.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments