Dalawa lalaki, arestado sa buy bust sa Caloocan

Arestado ang dalawang high value individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit 300 libong pisong halaga ng ipinagbabawal na droga sa buy bust operation sa Caloocan City.

Kinilala ni Caloocan City PNP ang naarestong mga suspek na sina Rommel Bobiles alyas “Dyosa”, 33 at Michael Ayuson, 38, kapwa nakatira sa Phase 12, Barangay 188, Tala.

Ayon kay Caloocan Police chief Col. Samuel Mina Jr, nakatanggap ang mga operatiba ng Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon mula sa kanilang Regular Confidential Informant (RCI) na nagbebenta umano ng shabu ang mga suspek kaya isinailalim ang mga ito sa isang linggong validation.


Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang nasa 50 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price 340,000 piso at buy bust money na isang tunay na P500 bill at 40 pirasong P1,000 boodle money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Facebook Comments