DALAWA NA | Naarestong suspek sa pagpatay kay General Tinio Mayor Ferdinand Bote, dalawa na

Dalawa na ang suspek na hawak ngayon ng PNP sa kaso ng pagpatay kay Mayor Ferdinand Bote ng Gen Tinio, Nueva Ecija

Bukod kay Florencio Suarez ay suspek na rin daw ang kasamahan nito na si Robert Gumacay.

Sinabi ni PNP Region 5 Police Chief Supt Arnel Escobal Region, ang CIDG na siyang may hawak ng impormasyon ang nagkumpirma na suspek na nga sina Suarez at Gumacay.


Sa ngayon ibinabyahe na ang dalawa sa Camarines Sur Police Provincial Office para makunan ng mugshot at physical examination.

Naaresto ang dalawa kaninang umaga sa isang PNP Checkpoint sa Andaya National Higway, Barangay Cabasag, Del Gallego, Cam Sur.

Sakay ang mga ito ng Toyota Avanza, na color biege at may lost plate na PGQ 134

Facebook Comments