Dalawa pang bagong biling patrol vessel mula sa Israel, dumating na sa bansa

Nakarating na sa bansa ang dalawa pang bagong biling Acero Class patrol vessel mula sa Israel, sakay ng General Cargo Ship Koga Royal nitong Sabado.

Ang dalawang Fast Attack Interdiction Craft ay kasalukuyang nasa Commodore East Posadas Wharf sa Cavite City para sumailalim sa enhancement, maintenance at crew training.

Ito ay bago ikomisyon sa serbisyo bilang PG906 at PG907 na magiging bahagi ng Acero-class patrol vessels ng Littoral Combat Force ng Philippine Fleet.


Ang dalawang bagong barko ang ika-5 at ika-6 sa 9 na patrol vessel na kinontrata ng Philippine Navy sa Israel Shipyard kasama ang Technology transfer sa ilalim ng FAIC Acquisition Project ng Revised AFP Modernization Program Horizon 2.

Facebook Comments