Dalawa pang bansa sa Africa, nagbukas na sa inbound passengers

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nagbukas na rin ang Somalia at Rwanda para sa inbound at outbound travel.

Pero, ito ay subject pa rin sa flight availability at sa medical protocols ng mga bansa para sa international passengers.

Gayunman, ang Laos at Japan ay hindi pa rin bukas para sa general entry sa kanilang borders at mahigpit pa rin ang kanilang medical protocols.


Ang Seychelles naman ay hindi pa rin nagpapapasok sa kanilang bansa at ang pinahihintulutan lamang ay ang mga pasaherong palabas ng kanilang bansa, depende sa flight availability.

Muli namang pinaalalahanan ng DFA ang mga Pilipino sa abroad na nais umuwi ng Pilipinas na makipag-ugnayan muna sa Embahada o Konsulada ng Pilipinas at sa kanilang airlines.

Facebook Comments