Dalawa pang kasunduan sa pagitan ng mga negosyante sa Brunei at Pilipinas, naselyuhan sa huling araw ni PBBM sa Brunei

Dalawa pang karagdagang kasunduan sa pagitan ng grupo ng mga negosyante sa Brunei at ng Pilipinas ang naselyuhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa huling araw ng state visit nito sa Brunei Darussalam.

Kabilang sa mga naselyuhan ay ang partnership sa agriculture and MSME development sa pagitan ng ASEAN Food Security Alliance, ASEAN Business Advisory Council, Brunei Association of Agricultural Farmers, at ilan pang business groups.

Habang nilagdaan ang kasunduan sa pagitan ng National Chamber of Commerce and Industry ng Brunei Darussalam at Philippine Chamber of Commerce and Industry na layong palakasin ang economic cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Brunei.


Nakapaloob sa kasunduan ang palitan ng impormasyon, pag-organisa ng trade and investment missions at pagsuporta sa iba’t ibang industriya gaya ng information and communications technology, halal food, smart agriculture, manufacturing, franchising, tourism, services at micro small and medium enterprise development.

Facebook Comments