Dalawa pang organisasyon sa Mindanao ang nakiisa sa karamihan ng mga boluntaryo na nagpahayag ng pagsuporta para sa kandidatura sa pagkapangulo ni Vice President Leni Robredo at ng kanyang running mate na si Senator Kiko Pangilinan.
Sa isang press conference sa Grand Central, Hayes St., Cagayan de Oro City nitong Miyerkules, naglabas ng pahayag ang Rebolusyonaryong Alyansang Makabansa – RAM District 1 sa Misamis Oriental na nagpalabas ng isang pahayag ng mariing pagsuporta kina VP Robredo at Sen. Pangilinan na maging susunod na pangulo at bise presidente ng bansa. Dumalo sa kumperehensiya si Sen. Pangilinan.
Binigyang-diin ng grupo ang mataas na kakayahan, dedikasyon at walang batik sa rekord ng serbisyo publiko ng dalawang opisyal na napipisil na sila ang pinakamahusay na pagpipilian upang mamuno sa bansa. Nangako ang grupo na mangampanya at tutulong sa pagsisikap ng iba’t ibang organisasyon na maghatid ng tagumpay para sa Robredo-Pangilinan tandem sa darating na May 2022 national polls.
“Kami na bumubuo ng Rebolusyonaryong Alyansang Makabansa – RAM District 3 sa Misamis Oriental ay nangangakong suportahan ang kandidatura sa pagka-presidente ni kagalang-galang Vice President Leni Robredo at ang kandidatura sa pagka-Bise Presidente ni Senator Kiko Pangilinan kaya kaming lahat ng chapter president ay lumagda sa isang manifesto of support bilang patunay ng aming buong pusong suporta sa kanilang dalawa,” saad ni RAM chapter president Vergel Claveria.
Kasabay nito, ang isa pang organisasyon, ang Bangsamoro Economic Development Corporation ay nagpahayag din ng suporta para kina Robredo at Pangilinan na nagsabing kumpiyansa ang grupo sa kakayahan ni VP Leni mula nang siya ang maging pangalawang pinakamataas na opisyal ng bansa. Idinagdag ng grupo na si Robredo ay nagtataglay ng katapangan at isang kahanga-hangang track record, mga bagay na tiyak na magpapahigit sa kanya sa mga pangunahing katangian kung ano ang dapat maging isang pangulo.
“Sinusuportahan namin si VP Leni hindi dahil siya ay isang abogado, ekonomista, at isang propesor, ngunit dahil mas nakakaramdam kami ng katiyakan at kumpiyansa sa kanyang kakayahan mula nang siya ay maging Bise Presidente ng Pilipinas. Nararamdaman namin ang higit na kapangyarihan na makita ang isang babaeng tumatakbo para sa Pangulo. Kinakatawan niya ang mga mukha ng bawat solong ina, kababaihan na nananatiling tinuturing na pangalawang kasarian,” saad ni Mark Adrian Tagahanan, CEO ng Project Mindanao Women Advocacy.
Ang Mindanao Women Council Advocacy ay isang non-profit organization na na itinatag na may layuning magbigay ng mga programa sa pagbuo ng kapasidad para sa mga kababaihang Muslim, na pangunahing nakatuon sa pagbibigay sa kanila ng mental health at suporta sa psychosocial.
Ang aming grupo ay may mahigit 25,000 miyembro na binubuo ng mga babaeng Muslim at Kristiyano, at ang mga pambansang opisyal ng konseho, regional at provincial directors na nagpapahiwatig ng aming malakas na suporta kina VP LENI at Sen. Kiko Pangilinan, bilang ayon sa aming resolusyon na ipinasa noong Mayo 1, 2022,” sabi ng grupo sa isang pahayag.
RAM at Mindanao Womens Advocacy sinuportahan si VP Leni at Kiko