Dalawa pang Nigerian na sangkot sa ‘Honey Love scam’, arestado ng Airport Police Department

Arestado sa follow-up operation ng Airport Police Department (APD) ang dalawang Nigerian Nationals na utak ng ‘Honey Love scam’, gayundin ang dalawang Pinay na kinakasama ng dalawang suspect.

Ayon kay APD Investigation head Lt. Jesus Ducusin, naaresto ang apat na suspek sa entrapment operation sa Calasiao, Pangasinan.

Nag-ugat aniya ito sa sumbong ng isang biktima na hiningan ng pera ng mga suspek at nakipagtulungan din sa APD ang isang remittance center.


Kinilala ang mga Nigerian na suspek na sina Promise Iwunamara at Oliver Ugonna.

Habang ang mga Pinay na kinakasama ng mga ito ay sina Ernestila Sumaoang at
Shirley Nalo.

Naka-detain na ang mga suspek sa APD-Police Intelligence and Investigation Division (PIID) at sila ay nakatakdang sampahan ng kaso sa Pasay City Prosecutors Office.

Facebook Comments