DALAWA PANG ORDINANSA SA BAYAN NG BINALONAN, IPINATUPAD

Matapos na ilabas ng LGU Binalonan ang ordinansa kung saan mahigpit nilang ipinagbabawal ang pagtatapon, pag-ihi, pagdumi at pagdura sa pampublikong lugar at naglabas muli ang mga ito ng dalawang panibagong ordinansa para sa layon nilang pagbibigay ng maayos na bayan sa kanilang mga nasasakupan.
Inilabas sa official facebook page ng Binalonan ang Municipal Ordinance No. 2021-01- o ang ordinansang kaugnay sa paglilinis ng kalsada at pagbabawal sa mga ilegal na istruktura at konstruksyon sa Munisipyo ng Binalonan, Pangasinan at pagbibigay ng mga parusa dito at Municipal Ordinance No. 2004-09- o ordinansang naglalayong i-regulate ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar, kabilang ang mga pampublikong sasakyan at pagbibigay ng mga parusa dito alinsunod rin sa mga patakaran at regulasyon ng pagpapatupad ng R.A No. 9211 o The Tobacco Regulatory Act of 2003.
Nakasaad sa inilabas na mga ordinansa ang mga karampatang parusa at multa sa sinumang residente ang lalabag sa mga nasabing ordinansa dahil seryoso umano ang LGU sa kanilang layon na maging maayos ang kanilang nasasakupan. |ifmnews

Facebook Comments