Dalawa pang pambato ng Pilipinas, pasok sa Tokyo Olympics

Pasok na ang dalawa pang pambato ng Pilipinas sa Tokyo Olympics matapos mabigyan ng otomatikong tiket.

Batay sa International Olympic Committee-Bo­xing Task Force (IOC-BTF), ang pagpasok nina world champion Nesthy Petecio at Southeast Asian Games gold medalist Carlo Paalam sa Tokyo Games ay dahil sa kanilang mataas na pwesto sa world rankings.

Makakasama nina Petecio at Paalam sa boxing competition sina three-time SEA Games champion Eumir Felix Marcial at Irish Magno na nakakuha ng tiket sa Tokyo Olympics sa Asia-Oceania Olympic Qualifiers na ginanap sa Amman, Jordan noong nakaraang taon.


Kasama naman ng boxing team sina world champion Carlos Yulo ng gymnast at SEAG pole vault record holder EJ Obiena ng athle­tics.

Facebook Comments