Dalawa patay, 55 sugatan sa gas explosion sa China

China – Dalawa ang patay habang limamput lima (55) ang sugatan sa gas explosion sa Hangzhou City, China kaninang umaga.

Labing dalawa sa mga nasugatan ang nasa kritikal na kondisyon.

Ayon sa mga otoridad – nag-ugat ang pagsabog sa nag-leak na gas cylinder sa loob ng restaurant sa Xihu district.


Sa tindi ng pagsabog, nabasag pati ang mga salamin ng mga dumadaang sasakyan.

Facebook Comments