Dalawa, patay; Apat, nawawala dahil sa malawakang pagbaha sa Bicol

Kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nasa dalawang katao na ang namatay habang apat ang nawawala dahil sa epekto ng Tail end of a Frontal System (TEFS) na nagdadala ng katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon at Kabisayaan.

Ayon kay NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad, ang dalawang fatalities at ang apat na nawawala ay mula sa Bicol Region bunga ng matinding pagbaha at landslides.

Ang dalawang namatay ay mula sa mga bayan ng Canaman, Camarines Sur at Pilar, Sorsogon.


Aabot naman sa 2,409 na pamilya o 9,158 individuals ang inilikas sa 70 barangay sa MIMAROPA, Bicol Region at Western Visayas.

Facebook Comments