Dead on the spot ang dalawang katao matapos araruhin ng isang 10-wheeler truck ang 14 na sasakyan sa kahabaan ng isang highway sa Tupi, South Cotabato.
Ayon kay South Cotabato Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Head Rolly Aquino, galing mula General Santos City ang naturang truck nang bigla itong mawalan ng preno sa pababang bahagi ng highway dahilan para makaladkad ang mga sasakyan sa dinadaanan nito.
Maliban sa dalawang nasawi ay 14 ang sugatan na pawang mga estudyante ng isang pribadong paaralan na naghihintay ng masasakyan.
Hindi rin nakaligtas ang tatlong SUV, tatlong pick-up, isang yellow bus, isang tricycle, limang motorsiklo at isa rin cargo truck.
Patuloy pa ring tinutukoy ang pagkakakilanlan ng driver ng cargo truck at kung nasaan na ito.