Dalawa patay isa nakaligtas sa pananambang sa Lanao del Sur

Dalawa ang patay habang isa ang nakaligtas sa nangyaring pananambang sa Barangay Notong sa bayan ng Pualas sa Lanao Del Sur kahapon . Kinilala ang mga nasawi na sina Jaabar Saripada , 37 anyos at Ayno Abdul Saripada 31, isang magsasaka habang ang nakaligtas ay kinilalang si Aladin Saripada ,42 anyos. Naglalakad lamang ang mga biktima mula barangay Yaran sa bayan ng Pualas patungo ng Batangay Notong ng silay tambangan ng mga armadong grupo.
Nagawa ring magpaputok ng kanilang di natukoy na armas ang mga biktima subalit silay tinàmaan sa ibat ibang bahagi ng kanilang katawan na nagsanhi ng kamatayan ng dalawa sa mga biktima. Halos umabot ng isang oras ang palitan ng putok at pagkatapos ay tumakas ang mga armado. Nagpapatuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng kapulisan sa insidente.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments