Dalawa Patay Matapos Ang Magnitude 6.2 Na Lindol Sa Japan

33

MASHIKI, JAPAN – Dalawa ang namatay habang nasa 45 ang nasugatan sa pagtama ng magnitude 6.2 na lindol sa Japan.Ayon sa US Geological Survey, naramdaman ang lindol sa Kumamoto Prefecture bandang alas 9:26 kagabi kung saan naitala ang intensity 7 na pagyanig ng lupa sa bayan ng Mashiki.Bukod sa namatay sinabi ni Kumamoto Prefecture Disaster Management Official Takayuki Matsushita, nasa labing siyam na bahay ang nasira sa lindol.Ilang minuto rin tumigil ang operasyon ng tren sa Mainland Honshu at Kyushu.Wala namang banta ng tsunami at normal ang takbo ng mga nuclear reactor.

Facebook Comments