Dalawa, patay sa lumubog na bangka, sa Misamis Oriental – PCG

Patay ang dalawang mangingisda sa Pintuyan, Southern Leyte matapos lumubog ang sinasakyan nilang bangka dahil sa masamang panahon.

Kinilala ang mga biktimang sina Aldin Pagkalinawan, 49 years old, at Roel Jalil, 50 years old, na kapwa mga residente ng Misamis Oriental.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), walong mangingisda ang sakay ng bangka.


Pabalik na sana ang mga ito sa baybayin nang lumubog ang kanilang bangka matapos hampasin ng malalakas na alon at hangin.

Nailigtas naman ng mga awtoridad ang anim pang mangingisda maliban sa dalawang biktima na binawain na ng buhay sa karagatan.

Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang MDRRMO Pintuyan sa LGU para tulungan ang mga na-rescue na mangingisda at ang pamilya ng mga nasawi.

Facebook Comments