Dalawa, patay sa matanao, Davao Del Sur kasunod ng Magnitude 6.9 na Lindol

Umakyat na sa dalawa ang nasawi habang nasa 104 na ang sugatan sa pagtama ng Magnitude 6.9 na Lindol sa bayan ng Matanao, Davao Del Sur.

Ayon kay Matanao Mayor Vincent Fernandez, ang bagong nasawi ay isang 81-taong gulang na matandang babae na inatake sa puso sa kalagitnaan ng pagyanig.

Ang unang nasawi na naitala sa lungsod ay isang anim na taong gulang na bata na nadaganan ng gumuho nilang bahay.


Aabot sa 5,600 na pamilya ang lumikas dahil sa lindol at karamihan ay nananatili sa Evacuation Centers habang ang iba ay nagtayo ng tent sa laban ng kanilang mga bahay.

Ang kanilang munisiplyo ay nagtamo ng major damages sa pagyanig.

Nagpaabot na ng DSWD ng dagdag na 13,000 food packs sa mga apektadong residente.

Facebook Comments